Powered By Blogger

Friday, January 14, 2011

rainbow connection

NCCA 
Papunta kami ni mama nun sa NCCA,para sa opening ng art & spirit exhibit.
traffic,sobra.wala ng madaanan,wala ng mahingahan- jan.7 kasi nun,e.may procession ng replica ng Nazareno.kaya ang tendency,napuno ng tao ang mga langsangan at kalye hanggang binondo.
mula recto,abad santos,roxas blvd. at kung saan saan pang lagusan ng bayan,talaga nga namang puno ng tao,syempre para masilayan ang mahal na santo.


Buti na lamang,ibang klaseng taxi driver ang nasakyan namin noon ni mother.super swabe magmaneho,tapos parang compass at mapa ang utak ng tsuper na ito.lahat ng mga daanang nagsasara na,aba nakakagawa pa ng paraan para makalusot at makahanap ng ruta:)


habang nasa byahe,bongga tlga ang kwento ni kuya:) di tuloy ako nainip,khit na ang tagal na. parang DJ tong c kuya,tapos ang maganda, puro tungkol sa bibliya ang mga salita nya:) naisip ku tuloy,iba ka tlaga BRO,kc pinadala mu c kuya,e-HEAVEN SENT kung baga:))pero di natapos ang paghanga ku sa knya,kc may isa syang sinabe na talaga nga namang tumatak saking puso at kaluluwa...

tinannung nya kami ni mama:
driver: Mam,kayo? sa tingin nyo bakit may bahaghari tayo?
Mama: (napaisip,pumikit) sabay sabing- UU nga nu? bkit nga ba?
Ako: (natatawa sa tabi ni mama/ kinakabahan din,panigurado ako na ang susunod na tatanungin ni kuya)
         -di ku rin alam kuya,e.ayan inunahan ku na sya:))
driver: tignan nyu,hindi nyu alam? (may ngisi pang kasama)
Ako:  (napaisip ulet,bata pa lang kc aku,nag-iisp na rin aku ng kung anu nga ba tlga ang kahulugan ng           
           ROYGBIV na ito )
driver: Ang bahaghari ay isang napakagandang simbolo.
            ito ay ginawa ng Diyos,para patuloy tayong maniwala at patuloy na mabuhay sa pangakong lupa na ito 
            Bahaghari- ito ay ang simbolo na may pagititipan ang Diyos sa tao :)  kaya wag tayong mawalan
            ng pag-asa.masarap mabuhay sa mundong ito.Dahil ang Diyos ay tunay na nandyan,kailanman di nya
            tayo papabayaan:))   

Napahinto ako,napangiti at tlga namang humanga sa mamang ito. salamat sa kanya,ginawa nyang espesyal ang simpleng byahe namin ni mama ko.


- kung ganito ba naman lahat ng taxi driver sa mundo,aba, angsarap bumyahe kahit gano kalayo o katraffic pa ang pupuntahan mo.


No comments:

Post a Comment