Ang paggamit ng kulay ay may dimensyong kultural bagamat may unibersal itong pakahulugan.Minsan ang paggamit ng kulay ay base sa nararamdaman, nakikita o napapansin ny iyong mga mata. Ikaw ay nalulunod sa dami at anino nila, madaming kahulugan, madami din namang mga nakatagong lihim, di nga lang napapansin dahil sa sobra nilang ganda. Mga kulay na nagpapatingkad sa katauhan mo, sa kung sino ka ngang talaga.Madaming pagkakataon upang ipakita mo kung sino ka, iba- ibang talento, abilidad, style,teknik,passion,hobby at kung anu-ano pa,at sa pagpapakita ng sarili...
Dito Ako Napunta...
Art ay Art, walang hangganan, walang katapusan,bagkus patuloy sa paglago habang ikaw ay nakakakita ng guhit,linya,kurba, kulay,espasyo,dimensyon,papel, lapis at tinta. Hindi matatapoos ang Art, Iba-iba man ang tingin, ang eksplanasyon, pare-pareho pa din ang halaga Ang mundo ay patuloy na umiikot, habang Art ay sumusunod sa rampa...ART ay Ako,Punong puno ng buhay, may lalim, may kababawan, may gulo, minsan tahimik,minsan masaya,may parteng malabo,may malinaw, minsan naman blanko lang at wala masyadong makikita.
Bahagi na ito ng buhay mo,at patuloy...
Ang ART ay gagawin ko...
Dahil ART ay AKO.
-Nung kolehiyo, may grad exhibit ang curriculum ko.kaya lahat kami ay inatasang gumawa ng isang artist statement na isasama sa panel ng aming mga likha. at ayan,ayan ang laman ng puso`t isipan ko. simple lang naman:
Dahil yan ang totoo, 2 taon na ang lumipas pero walang nagbago. Hangga`t umiikot ang mundo,ang art ay gagawin ko.dahil Art ay Ako.
i soooo miss my college days.kung pwede lang bumalik.sobrang nakakamiss:(
ReplyDelete