Di ko mawari anu bang mayron ka?
tila lahat sila ay nababaliw sa angkin mung ganda.
Bakasyon nun,tandang tanda ko pa.Kaya kami ayun,nandon nagbabakasyon sa lugar ng magsaysay,malabon.
lugar ng mga lolo ko,kampon ng sangkaterbang tao,masaya,magulo, in short chopseuy ang tamang term dito.
sa hindi mapaliwanag na dahilan,ibang klaseng karisma meron ang pusang nakita kong aaligid aligid sa lumang gate na iyon, tatlo kasi ang kulay nya,itim,puti at may konting orange pa. sabi kasi nila, pag daw tatlong kulay meron ang pusa,barako daw ito, astig at sobrang nakakahanga pa. since,babae ang pusang ito,sya na ang reyna at hearthrob sa lahi nila.
bata palang daw si ming ay nakikita na nila,sa bahay,labas,bubong , sa kusina lalung-lalo na. kahit anung gawing ligaw sa kanya, talaga nga namang bumabalik sya, kaya ang ending, inampon na syang talaga:)
tahimik,maamo at talagang perfect ang hulma ng mukha nitong aming bagong prinsesa, lapitin ng mga barako at kadalasa`y pinagaawayan pa sya.
Ming? bakit nga ba? hindi ko din alam kung bakit yun ang pangalan nya.basta tuwing nakikita ko sya, napapa-ming aku. as in,ming? ming? ganun, ayun, nasanay yata ang loka, at lagi ng lumalapit pag mini-ming ko sya.Ibang klase din naman ang taglay na charm ni ming talaga,tuwing nadadalaw ako,aba`y buntis sya,walang halong biro di ko nakitang empty tank ang sinapupunan nya. lagi nalang namimilog at kitang kita sa hubog na mayron syang dinadala.hay naku,ming-talgang idol na kita, isa kang ulirang ina♥ di ko na mabilang ang mga kuting na iyong isinikap na dalin sa iyung munting bituka,este tyan pala. Ibang klaseng tyaga at pagmamahal ang mayron ka. makalipas ang ilang buwan,awa ng Diyos nanganak na sya...
lumipas ang ilang buwan,ako ay muling bumisita,pupuntahan ku c tatay nacio,sa kanya nakatira ang pusang ala rosanna roces ang ganda-si ming, ang pusang hearthrob ang dating. pagdating ko sa kanila, laking gulat sa aking nakita, si ming, ay sus,nakahiga sa gilid ng tindahan ni lola ligaya, nagpapahinga- kasi naman buntis nanaman sya :))
No comments:
Post a Comment