Powered By Blogger

Monday, January 17, 2011

ART AT AKO.( PAGBABALIK TANAW NOONG KOLEHIYO.EDITION NO.1 )

      Ang paggamit ng kulay ay may dimensyong kultural bagamat may unibersal itong pakahulugan.Minsan ang paggamit ng kulay ay base sa nararamdaman, nakikita o napapansin ny iyong mga mata. Ikaw ay nalulunod sa dami at anino nila, madaming kahulugan, madami din namang mga nakatagong lihim, di nga lang napapansin dahil sa sobra nilang ganda. Mga kulay na nagpapatingkad sa katauhan mo, sa kung sino ka ngang talaga.Madaming pagkakataon upang ipakita mo kung sino ka, iba- ibang talento, abilidad, style,teknik,passion,hobby at kung anu-ano pa,at sa pagpapakita ng sarili... 

Dito Ako Napunta...

Art ay Art, walang hangganan, walang katapusan,bagkus patuloy sa paglago habang ikaw ay nakakakita ng guhit,linya,kurba, kulay,espasyo,dimensyon,papel, lapis at tinta. Hindi matatapoos ang Art, Iba-iba man ang tingin, ang eksplanasyon, pare-pareho pa din ang halaga Ang mundo ay patuloy na umiikot, habang Art ay sumusunod sa rampa...ART ay Ako,Punong puno ng buhay, may lalim, may kababawan, may gulo, minsan tahimik,minsan masaya,may parteng malabo,may malinaw, minsan naman blanko lang at wala masyadong makikita.

Bahagi na ito ng buhay mo,at patuloy...
Ang ART ay gagawin ko...


Dahil ART ay AKO.


-Nung kolehiyo, may grad exhibit ang curriculum ko.kaya lahat kami ay inatasang gumawa ng isang artist statement na isasama sa panel ng aming mga likha. at ayan,ayan ang laman ng puso`t isipan ko. simple lang naman: 

Dahil yan ang totoo, 2 taon na ang lumipas pero walang nagbago. Hangga`t umiikot ang mundo,ang art ay gagawin ko.dahil Art ay Ako.



Friday, January 14, 2011

rainbow connection

NCCA 
Papunta kami ni mama nun sa NCCA,para sa opening ng art & spirit exhibit.
traffic,sobra.wala ng madaanan,wala ng mahingahan- jan.7 kasi nun,e.may procession ng replica ng Nazareno.kaya ang tendency,napuno ng tao ang mga langsangan at kalye hanggang binondo.
mula recto,abad santos,roxas blvd. at kung saan saan pang lagusan ng bayan,talaga nga namang puno ng tao,syempre para masilayan ang mahal na santo.


Buti na lamang,ibang klaseng taxi driver ang nasakyan namin noon ni mother.super swabe magmaneho,tapos parang compass at mapa ang utak ng tsuper na ito.lahat ng mga daanang nagsasara na,aba nakakagawa pa ng paraan para makalusot at makahanap ng ruta:)


habang nasa byahe,bongga tlga ang kwento ni kuya:) di tuloy ako nainip,khit na ang tagal na. parang DJ tong c kuya,tapos ang maganda, puro tungkol sa bibliya ang mga salita nya:) naisip ku tuloy,iba ka tlaga BRO,kc pinadala mu c kuya,e-HEAVEN SENT kung baga:))pero di natapos ang paghanga ku sa knya,kc may isa syang sinabe na talaga nga namang tumatak saking puso at kaluluwa...

tinannung nya kami ni mama:
driver: Mam,kayo? sa tingin nyo bakit may bahaghari tayo?
Mama: (napaisip,pumikit) sabay sabing- UU nga nu? bkit nga ba?
Ako: (natatawa sa tabi ni mama/ kinakabahan din,panigurado ako na ang susunod na tatanungin ni kuya)
         -di ku rin alam kuya,e.ayan inunahan ku na sya:))
driver: tignan nyu,hindi nyu alam? (may ngisi pang kasama)
Ako:  (napaisip ulet,bata pa lang kc aku,nag-iisp na rin aku ng kung anu nga ba tlga ang kahulugan ng           
           ROYGBIV na ito )
driver: Ang bahaghari ay isang napakagandang simbolo.
            ito ay ginawa ng Diyos,para patuloy tayong maniwala at patuloy na mabuhay sa pangakong lupa na ito 
            Bahaghari- ito ay ang simbolo na may pagititipan ang Diyos sa tao :)  kaya wag tayong mawalan
            ng pag-asa.masarap mabuhay sa mundong ito.Dahil ang Diyos ay tunay na nandyan,kailanman di nya
            tayo papabayaan:))   

Napahinto ako,napangiti at tlga namang humanga sa mamang ito. salamat sa kanya,ginawa nyang espesyal ang simpleng byahe namin ni mama ko.


- kung ganito ba naman lahat ng taxi driver sa mundo,aba, angsarap bumyahe kahit gano kalayo o katraffic pa ang pupuntahan mo.


Tuesday, January 11, 2011

Ming.Ang reyna ng mga Pusa doon sa bandang amin











Di ko mawari anu bang mayron ka?
tila lahat sila ay nababaliw sa angkin mung ganda.

Bakasyon nun,tandang tanda ko pa.Kaya kami ayun,nandon nagbabakasyon sa lugar ng magsaysay,malabon.
lugar ng mga lolo ko,kampon ng sangkaterbang tao,masaya,magulo, in short chopseuy ang tamang term dito.
sa hindi mapaliwanag na dahilan,ibang klaseng karisma meron ang pusang nakita kong aaligid aligid sa lumang gate na iyon, tatlo kasi ang kulay nya,itim,puti at may konting orange pa. sabi kasi nila, pag daw tatlong kulay meron ang pusa,barako daw ito, astig at sobrang nakakahanga pa. since,babae ang pusang ito,sya na ang reyna at hearthrob sa lahi nila.

bata palang daw si ming ay nakikita na nila,sa bahay,labas,bubong , sa kusina lalung-lalo na. kahit anung gawing ligaw sa kanya, talaga nga namang bumabalik sya, kaya ang ending, inampon na syang talaga:)
tahimik,maamo at talagang perfect ang hulma ng mukha nitong aming bagong prinsesa, lapitin ng mga barako at kadalasa`y pinagaawayan pa sya. 

Ming? bakit nga ba? hindi ko din alam kung bakit yun ang pangalan nya.basta tuwing nakikita ko sya, napapa-ming aku. as in,ming? ming? ganun, ayun, nasanay yata ang loka, at lagi ng lumalapit pag mini-ming ko sya.Ibang klase din naman ang taglay na charm ni ming talaga,tuwing nadadalaw ako,aba`y buntis sya,walang halong biro di ko nakitang empty tank ang sinapupunan nya. lagi nalang namimilog at kitang kita sa hubog na mayron syang dinadala.hay naku,ming-talgang idol na kita, isa kang ulirang ina♥ di ko na mabilang ang mga kuting na iyong isinikap na dalin sa iyung munting bituka,este tyan pala. Ibang klaseng tyaga at pagmamahal ang mayron ka. makalipas ang ilang buwan,awa ng Diyos nanganak na sya...

lumipas ang ilang buwan,ako ay muling bumisita,pupuntahan ku c tatay nacio,sa kanya nakatira  ang pusang ala rosanna roces ang ganda-si ming, ang pusang hearthrob ang dating. pagdating ko sa kanila, laking gulat sa aking nakita, si ming, ay sus,nakahiga sa gilid ng tindahan ni lola ligaya, nagpapahinga- kasi naman buntis nanaman sya :))


Sunday, January 9, 2011

at last.may blog na ko.pangarap ko to.promise!

bata pa lang ako,bukod sa pagpinta,pagdrawing at kung anu-ano pa,pinangarap ko na ding sumulat at ibahagi ang bawat ideya at kwento na nakasiksik sa aking sistema.
masaya,e. walang limit o kahit na anung aberya. walang hassle, di kailangan ng madaming keme o mechanics, importante may pagkakataong mailabas mo ang nararamdaman ng puso mo at kaluluwa.Basta kung anung nararamdaman ko,lagi kung iniisip na may karapatan kayong malaman ito:)


ngaun,masaya na ko.sana may magtyagang magbasa man lang ng mga pahina ko.darating ang panahon,dadami din ang mga likha ko dito,sa ngaun lalasapin ku muna ang bango at sarap ng bago kung tuklas na ito.


masayang pagbabasa mga kaibigan,samahan nyo kong tuklasin ang mudo sa simple pero rock na blog na ito.


HAPPY READING :))